Mga nagparehistro sa isinagawang voter’s registration sa Naga City, umabot na ng mahigit 4000

NAGA CITY – Hindi apektado ng nararanasang init ng panahon ang isinasagawang voter’s registration ng Comelec-Naga patunay nito ang mataas na bilang ng mga nagpa-rehistro na umabot na ng 4,600 mula sa pagsimula nito noong Pebrero at hanggang ngayon.

Sinabi sa Brigada News Fm Naga ni Atty. Maico Julia Jr.,Comelec Officer na tinitiyak niyang silang mga empleyado at mga nagpaparehistro ay nasa komportableng lugar,nasa air-condition room para hindi mainitan o nasa open-space na mahangin.

Mayoriya sa mga nagpaparehistro ay mga new voters mula sa sector ng mga kabataan,nasa mahigit dalawang libo ang mga ito,sinusundan ng mga transferees at mga correction o pabago ng kanilang status 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *