Mga nagpatala sa early registration ng DepEd sa Camarines Norte para sa School Year 2024-2025  umabot sa 21, 337

CAMARINES NORTE – Aabot sa kabuuang 21, 337 learners sa Camarines Norte ang nakapagpatala sa pagtatapos ng early registration noong Biyernes, February 23 para sa School Year 2024- 2025

Sa datos ng DepEd Camarines Norte hanggang tanghali ng Biyernes, nasa 4, 794 ang nakapagpatala sa kinder, 7, 840 sa Grade 1 habang mayroon namang 5, 197 sa Grade 7 at 3, 506 sa Grade 11.

Mas mataas ito ng bahagya kumpara sa 21, 145 na nag- early register noong isang taon para ngayong School Year.

Paliwanag ni Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad na isa sa naging balakid ay nang simulan ang early registration ay hindi pa inaanunisyo ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2024- 25.

Gayunman, masasabi pa rin umano ng DepEd na sa pangkalahatan ay successful ang early registration dahil ito naman talaga ang inaasahan nilang datos.

Maliban sa early registration ay magkakaroon pa naman talaga ng enrollment period.

Handa na rin aniya ang departamento ss dahan-dahang pagbabalik sa lumang academic calendar, kaya inagahan ang pagtatapos ng kasalukuyang school year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *