Mga nagtutungo sa sementeryo hindi natinag ng ulan mabisita lang ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao.

CA,MARINES NORTE – Hindi natinag sa naranasang mahina hanggang sa kung minsan ay malakas na pag ulan ang mga nagtungo sa iba’t- ibang sementeryo sa lalawigan ng Camarines Norte mabisita lang ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao ngayong Undas.

Sa St. John Eternal Garden, isa sa pinakamalaking sementeryo sa lalawigan, maaga pa lang ay mangilan- ngilan na ang bumibisita at unti- unti itong dumami hanggang dakong hapon.

Pasado alas 4 ng hapon ay naramdaman na rin ang bigat ng daloy ng trapiko patungo sa sementeryo.

Kakaunti naman ang mga bumibisita sa Basud, Catholic Cemetery sa bayan ng Basud sa umaga pero unti- unti rin itong dumami dakong hapon.

Gayunman kakaunti ang mga dumalaw sa sementeryo kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Kabi- kabila ang kung ano- anong mga paninda mula sa bungad ng sementeryo hanggang sa malapit sa mga nitso.

Sa labas ay mayroong public assistance desk na inilagay ang PNP, Bureau of Fire Protection at Municipal Health Office.

May mga bahagi rin ng sementeryo ang maputik at madamo.

Sa St. Raphael Memorial Garden ay hindi rin gaanong marami ang mga bumisita dahil na rin sa hindi magandang lagay ng panahon.

Sa Mercedes cemetery naman ay tila nagbunyi ang mga bumibisita sa sementeryo lalo’t bahagyang gumanda ang panahon dakong hapon.

May mga pamilya rin na mistulang nag picnic sa sementeryo. Sa labas ay mayroong stage at public address system.

Nagtalaga rin ng mga entry at exit points na bainabantayan ng mga kapulisan, Armed Firces of the Philippines at Philippine Coast Guard. Naging pagkakataon din sa iba ang Undas para maghanapbuhay. Sa mga pribadong residencia malapit sa Mercedes cemetery ay may parking space na ino- oofer kapalit ng barya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *