Mga nais maging doktor sa Naga City, pag-aaralin ng LGU

NAGA CITY –Pirmado na ni City Mayor Nelson Legacion ang ordinansang magbibigay ng full medical scholarship program o ang Doctor Para sa Naga Program Ordinance na bukas sa lahat ng mga estudyanteng taga lungsod na gustong maging doktor.

Kahapon pinirmahan ito ng alkalde sa flag raising ceremony kasama ang dalawang konsehal na author ng naturang ordinansa na sina  City Councilors Lito del Rosario at Dr. Sonny Rañola.

Sa pagharap sa media at sa BNFM-Naga ni Mayor Legacion, ipinaliwanag niya ang ilang mga provisions sa ordinansa, ang mga requirements kung papano ito ma-avail ng bawat Nagueño.

Ayon sa alkalde, pinakalayunin ng ordinansa ay iyong mabigyan ng solusyon ang kakulangan sa doctor ng City Government na naranasan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at hanggang ngayon sa city hospital, sa infirmary at maging sa mga barangay health care centers.

Wala anyang gagastusin ang mapipiling maging skolar,libre lahat at kahit saan pa itong mag-aral na medical schools.

Sa panig naman ni Konsehal del Rosario,sinabi niyang malaking tulong ito sa mga estudyanteng nagnanais na maging doctor na magsisilbi sa LGU-Naga sa oras na makapagtapos ng pag-aaral, bilang kapalit ng na avail nitong medical scholarship program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *