Mga naka-deploy na Human Resources for Health sa iba’t-ibang munisipyo hindi pa binawasan ng DOH

CAMARINES NORTE – Maswerte pa rin umano ang mga munisipyo sa Camarines Norte dahil hindi pa binabawasan ng Department of Health (DOH) ang mga naka deploy na Human Resources for Health (HRH) na nagsisilbing augmentation sa workforce ng mga Local Government Unit.

Ito ang inihayag ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola sa ginawang Integrated Local Health Systems Development Forum dito sa bayan ng Daet na dinaluhan ng mga Municipal Health Officer at mga kinatawan nito.

Ayon kay Iraola mayroong mga nag resign pero pinipilit nilang mapalitan ang mga ito base sa ibinibigay na bilang sa kada munisipyo.

Binibigyan umanong prioridad sa deployment ng HRH ang mga lugar na kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Sa katunayan ay may mga Rural Health Unit umano na mas marami pa ang HRH mula sa DOH kumpara sa organic personel.

Kung maalala ay dati nang sinabi ng DOH na hindi na ito magbibigay ng HRH sa mga first hanggang 3rd class municipalities.

Pero may pahayag rin noong Marso 2023 ang departamento sa mga Local Chief Executive sa lalawigan na hindi muna ito magtatanggal ng HRH kahit tapos na ang transition plan sa Mandanas law dahil hindi pa naman ito ini- implement.

Bagamat napipinto raw talaga ang pagbabawas ng HRH sa mga LGU ay hindi umano  ito basta-basta magagawa dahil maapektuhan ang healthcare ng mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *