Mga nakatira sa river bank  sa Naga, nakatakbang hanapan ng malilipatan

NAGA CITY –Kinumpirma ni Elmer Baldemoro , City administrator na handang bigyan ng lupang matitirhan ang lahat ng mga taga lungsod na informal settlers o iyong mga squatters na lalo na mga nakatira sa tabing-ilog o river bank.

Katunayan nito ay gumagawa na ng paraan ang housing settlement office para mahanapan ang mga ito ng lupa.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Baldemoro, sinabi niya na hadang tugunan ng City Government ang problema sa lupa ng mga informal settlers kailangan lamang na makipag ugnayan ang mga ito sa opisina ni Engr. Rolando Campillos, ang head ng Housing and Settlements Development Office.

Aminado sina Baldemoro na may kaunting problema sa lupa subalit ginagawan ito ng paraan mabigyan lamang ng desenteng matitirhan.

Anya’y nakarating na rin sa kanila ang ulat ng City Disaster Risk Reduction Management Office hinggil sa mga nakatira sa tabing-ilog, kaya lang may mga  proseso pa ring dapat na gawin para ma i-relocate ang mga ito at maialis sa  tinitirhan nilang tubigan.

Inabisuhan din niya ang mga baranbgay opisyal na asikasuhin ang mga nasasakupan nilang wala pang sariling lupa hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *