Mga nakawan sa ilang convenience store sa Batangas, tinututukan na – PNP

Tinututukan na ng awtoridad ang mga sunod-sunod na nakawan sa ilang convenience store sa Lalawigan ng Batangas nitong mga nakaraang araw.

Sa isinagawang virtual press briefing ng Batangas Provincial Police Office, sinabi ni PLT.COL. Jezreel Lara Calderon, Deputy Provincial Director for Operation, na mas paiigtingin pa nila ang mga checkpoints tulad ng sa Comelec checkpoint at ang anti-criminality checkpoints maging ang monitoring na ginagawa ng Intelligence Operatives.

Aniya, kaugnay sa nangyaring panghoholdap at pagnanakaw sa Alfa-Mart Convenience Store noong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 17, nagsagawa na umano sila ng case conference na dinaluhan ng mga operational manager ng naturang tindahan.

Dagdag pa nito na tiniyak naman ng convenience na pupunuan nila ang lahat na mga pagkukulang sa mga security measures kabilang ang tamang paglalagay ng CCTV.

Kaugnay nito ay mas papaigtingin na rin umano ang mga CCTV sa bawat barangay sa buong lalawigan.

Matatandaang maliban sa Alfa Mart ay nanakawan din ang 7 Eleven sa may Bauan, Batangas kung saan natangay ang 7,000 pesos at 2 bote ng alak noong nakaraang linggo at ang isang gasolinahan sa Lipa City kung saan natangay naman ang perang nagkakahalaga ng 9,000 pesos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *