Mga namamataang gumagamit ng e-trike/e-bike sa nat’l roads ng Legazpi City, dumarami

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Legazpi City Task Force Kalinisan at Kaayusan na dumarami ang mga namamataan nilang mga gumagamit ng e-trike sa mga national highways sa nasabing lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Task Force head Mark Andy Marbella, sinabi niya na kanilang sinasabihan ang mga nakikita nilang nagda-drive nito sa mga national roads at pinaaalalahanang hindi pinahihintulutan ang paggamit nito sa nasabing kalsada.

Ayon sakanya, dahilan ng mga gumagamit nito, eh, rehistrado at may lisensya naman umano sila. Subalit, binigyang-diin nito, bawal nga itong patakbuhin o gamitin sa national roads.

Kung tutuusin umano, naglabas na rin ng Memorandum Circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay nito.

Naiintindihan naman nila aniya na malaking tulong ang e-trikes dahil bawas hassle ito kumpara sa pagko-commute at dagdag pa na malaking tipid ito sa gasoline, kaya lang, hindi maikakaila na isa rin ito sa mga nagsasanhi ng traffic sa lungsod.

Ayon kay Marbella, maraming e-trike drivers ang namamataan na basta-basta lamang na pumapagitna sa kalsada.

Kaya, paalala ni Marbella, ang mga e-trike, dapat sanang gamitin lamang sa mga subdivision areas o sa mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *