Mga namatay na bata sa SBSI, umabot na ‘di umano sa mahigit 200

“Nakakabahala kung hindi pinatay na sadya ay pinatay sa kapabayaan”

‘yan ang dismayadong pahayag ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Senador Risa Hontiveros matapos mapag-alamang nasa mahigit dalawang daang newborn babies hanggang apat na taong gulang ang naitalang namatay sa loob ng Sitio Kapihan.

Maliban pa roon, sa kanyang opening statement ay ibinahagi rin niya ang kalunos-lunos na sinapit ni Manong Pedrito, na siyang tinorture umano ng mga armadong miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) dahil sa panghihinalang ginamitan nito si Mamerto Galanida ng black magic.

Kaugnay nito, tiniyak ni Hontiveros na pananagutin nila sa Senado ang sinumang mapatutunayang may sala.

Dagdag pa niya, umaasa rin silang makapagbibigay ang ilang ahensya ng gobyerno ng kanilang konkretong plano para sa reintegrasyon at rehabilitasyon ng mga miyembro ng SBSI.

Ito ay upang matiyak ang mabuting kalagayan ng mga ito mula sa dating pamamahala ng hinihinalang kulto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *