Mga nanalong athletes at mga coaches, sa batang pinoy, nakatanggap ng cash incentives mula sa LGU Naga

NAGA CITY – Nakatanggap ng cash incentives ang mga nanalong atleta maging mga coaches, mula sa Pamahalaan ng Naga sa ginawang Batang Pinoy ng Philippine Sports Commission noong Disyembre 2023, kung saan nasa dalawampot isang mga atleta at dalawampot lima namang mga coaches.

Ito ay bilang pagbibigay ng pagpapahalaga, at karangalan para sa kanila sa larangan ng sports, lalo na’t ayon kay Atty. PJ Barrosa, Head ng Education Sports and Scholarship Office, medalya lamang ang natanggap mula sa nasabing programa kung saan kailangan din dapat na may insintibo at pinabuluanan na rin, ang umano na walang suporta ang LGU sa mga nagpupursiging manlalaro o atleta sa lungsod.

Katunayan itinaas at ginawang P15,000 sa makakakuha ng Gold Medal, P10,000 sa Silver Medal at P5,000 sa Bronze Medal sa mga larong pamamanalunan, ito nga ay ang sa Archery, Swimming, Arnis, Gymnastics, Pencak Silat at Taekwondoo.

Kung saan nasa P85, 000.00 ang may pinakamalaking nakuhang insintibo na si Faye Yvone Collantes, sa larong archery, sinundan ng P75, 000.00 ni Albert Jose II Amaro sa larong swimming. Sa lahat sampong medalya sa gold ang nakuha ng lungsod, pito sa silver at labing isa sa bronze.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *