Mga nangyayaring pagbaha sa So.Cot, hindi dahil sa large scale mining- Gov. Tamayo

KORONADAL CITY- HINDI dulot ng operasyon ng Sagittarius Mines Incorporated o SMI ang mga nangyayaring pagbaha at landslide sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr dahil hindi pa naman aniya nagsisimula ang operasyon ng naturang kompanya.

Ayon sa gobernador na ang mga nangyayaring kalamidad ay dahil sa mga illegal small scale mining operations sa kabundukan.

Pagkatapos ng pag-veto nito sa amended ordinance ng Environment Code, inihayag ni Tamayo na magtatalaga ito ng armed forces sa mga lugar kung saan may nagsasagawa ng iligal na pagmina.

Binigyang diin nito na mga small scale mining operation lamang ang sakop ng regulation ng local government at ang mga large scale mining ay nire-regulate naman ng national government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *