Menstrual products, target gawing exempted sa buwis

Isinusulong ni Ako Ilocano Ako Party-list Representative Richelle Singson na gawing tax-free ang mga “menstrual product” gaya ng napkin.

Sa kanyang talumpati kasabay ng pagdiriwang ng Kamara sa Women’s Month, sinabi ni Singson na panahon na para malibre sa buwis ang mga produktong karaniwang ginagamit ng mga kababaihan tuwing may regla.

Kabilang dito ang menstrual pads at tampons na sa kasalukuyan ay pinapatawan ng Value-Added Tax o VAT.

Para sa kongresista, pabigat at discriminatory para sa mga kababaihan ang pagpapataw ng buwis sa mga naturang produkto.

Sakaling maging tax-free, matitiyak aniya ang accessibility at abot-kayang presyo ng menstrual products para sa lahat ng babae anuman ang estado sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *