Mga narekober na bangkay sa Davao de Oro landslide – umakyat sa 92

Patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng mga labi na nare-rekober sa nangyaring landslide sa Davao de oro.

Sa huling datos ng Davao de Oro Provincial Gov’t – umakyat pa sa 92 ang mga recovred bodies.

Nananatili naman sa 36 ang bilang ng mga nawawala pa rin.

Bago ito – una nang idineklara ang state of calamity sa bayan ng Maco; at sa buong lalawigan ng Agusan del Sur.

Umakyat naman sa mahigit 1 bilyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga pag-ulan at pagbaha sa sektor ng agrikultura sa ilang rehiyon sa Mindanao.

Sa ulat ng NDRRMC ngayong araw, pinakamalaki ang naitalang pinsala sa Region 11 na halos 290 million pesos.

Tumaas din sa 19 na libo ang mga magsasakang apektado.

Samantala, umabot na sa halos 100 ang imprastraktura ang sinira ng kalamidad sa Regions 10, 11 at CARAGA na katumbas ng 827 million.

Sa ngayon nasa 5 libo pang mga indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers sa 5 rehiyon sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *