Mga nasayang na Covid-19 vaccines sa bansa, kakaunti lamang

Inihayag ni National Task Force Chief Implementor at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na maliit na porsyento lamang ng covid-19 vaccine ang nasayang sa bansa.

Ito ay simula noong umarangkada ang vaccination program ng pamahalaan gamit ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa China at 525,600 doses ng bakuna na gawa ng Astrazeneca.

Ayon kay Galvez, isang vial lamang ng bakuna mula sa Sinovac ang nabasag mula sa package habang isang vial din ang nakitang walang laman.

Wala naman aniyang nakitang nabasag na vial sa mga bakuna ng Astrazeneca ngunit may ilang vials na 12 doses lamang ang laman habang may iilan ring siyam na doses lamang ang laman.

Mababatid na umabot na sa mahigit 90 percent ng mga nasabing bakuna kontra covid-19 ang naipakalat na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *