Mga nasunugan sa Brgy. Sta. Cruz, Kor, nakatanggap ng tulong mula sa Brigada

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng tig-P3,000, tig-10 na kilo ng bigas at iba pang mga kagamitan ang 10 na mga pamilya na biktima ng sunog na nangyari sa Purok Masipag, Barangay Sta. Cruz, Koronadal City noong nakaraang araw.

Ang nasabing tulong ay naipon sa pamamagitan ng Brigadahan 1Tahanan ng Brigada News FM Koronadal sa pangunguna ni City Vice Mayor Brigada Erlinda “Bing” Pabi-Araquil sa Tira Brigada Program nito. Lubos naman ang pasasalamat ng may-ari ng 10 mga puwesto gayundin 1 bahay sa tulong na kanilang natanggap.

Kanila parin umanong pinasasalamatan ang Panginoon dahil kahit nawala ang kanilang mga produkto sa kani-kanilang mga negosyo dahil sa sunog, sila ay ligtas ang hindi napabilang sa sunog.

Maaalala na naabot ng apoy ang sampung mga puwesto na gawa sa light materials. Base sa statement ng BFP-Koronadal, patuloy pa nilang inaalam sa kung ano ang pinanggalingan gayundin ang kabuuang pinsala sa nasabing sunog.

Samatala, hinihikayat din ni Station Manager Brigada Luz Cartagena Balancio ang mga biktima nga magpatuloy lamang sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakahrap dahil nandiyan lamang umano ang Brigada na handang magbigay ng tulong na kanilang kakailanganin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *