Mga negosyante tumatanggi sa barya, pinaalalahanan ng DTI

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante na tumatanggi sa pagtanggap ng barya lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Partikular na tinukot ng DTI ang P0.25, P0.10 at P0.5 na kadalasang naiiwan na lamang sa mga wallet dahil sa may mga ulat na ilang tindahan ang hindi na tumatanggap nito.

Bunsod nito, naglabas ng kautusan ang ahensya para siguraduhing maibabayad ng mga mamimili ang kanilang smallest bill kagaya ng mga centavo coin habang kalakip rin nito ang mandato na tanggapin ang mga nakatupi ng P1,000.

Una rito, noong naglabas ng bagong disenyo ng 1,000 polymer banknotes ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagbabala na huwag tupiin para mapreserba ang magandang imahe ng naturang pera ngunit nilinaw na hindi naman nawawala ang halaga nito.

Samantala, kamakailan ay naglabas rin ng Board Resolution No. 062 series 2023 ang LTFRB dahil sa ilang tsuper, konduktor at operator ang napaulat na hindi rin tumatanggap ng gusot na polymer banknotes at centavo coin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *