Mga negosyanteng apektado ng ipinatutupad na curfew sa Virac, Catanduanes umaaray na sa LGU

BICOL— Umaaray na ang mga negosyante sa bayan ng Virac, Catanduanes dahil sa limitado nilang operasyon bunsod ng umiiral na curfew sa nasabing bayan.

Partikular na dito ang mga nagmamay-ari ng night clubs, mga kainan at iba pa, na napipilitang magsara ng mas maaga upang tumalima sa nasabing polisiya.

Pakiusap ng mga ito sa LGU, kung maaari ay taas-taasan ang curfew hours sa bayan ng Virac na karaniwang nagsisimula tuwing alas 9:00 ng gabi at nagtatapos ng alas 4:00 ng umaga.

Ganunpaman, inihayag ni Virac Mayor Sinforoso Sarmiento na sakabila ng pagkalugi at pagkawala ng trabaho ng mga apektadong residente ay hindi pa maaaring i-lift ng LGU ang curfew policy dahil nasa ilang linggo pa lamang sila ng implementasyon nito at kasalukuyan pang inoobserbahan ang resulta at epekto ng polisiya sa estado ng COVID-19 crisis sa naturang bayan.

Dagdag pa ng alkalde, batid niya ang hinaing ng mga negosyante at maging ng mga residenteng nawalan ng hanapbuhay dahil sa curfew, subalit kailangan aniyang balansehin ang interes ng public health at mga industriyang apektado.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *