Top Stories

Mga OFWs may dagdag proteksyon at benepisyo ayon sa POEA

Kinumpirma ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Atty. Bernard Olalia na may karagdagang proteksyon at benepisyong matatanggap ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ito’y matapos ilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang department order 228 o expanded compulsory insurance kung saan magiging sakop na ang mga Balik Manggagawa (BM) at direct hires.

Ayon kay Olalia, nai-published na nila ang Implementing Rules and Guidelines nitong Marso ngayong taon at dapat implemented na umano ito.

Makakatanggap ng USD7,500 ang lahat ng nagtatrabaho abroad para sa permanent disability, USD10,000 naman para sa natural death at USD15,000 para sa accidental death.

Iginiit ng tagapangasiwa na walang dapat bayaran ang mga OFWs dahil responsibilidad umano ito ng kanilang mga employers at kung sila ay hindi tutupad sa panukala ay babayaran ito ng kanilang agency.   

Samantala, ang sino mang lalabag sa naturang regulasyon ay mapapabilang sa ‘block list’ at hindi na sila pwedeng mag-hire mula sa Pilipinas. Maaari namang mag-email ang ating mga kababayan abroad sa Legal Assistance Division sa legalassistance@poea.gov.ph para sa anumang reklamo. (ARGIE ERGINA)

BNFM Makati

Recent Posts

3 mga empleyado binawian ng buhay dahil sa matinding init sa Pili, Camarines Sur

NAGA CITY- Tatlong mga empleyado ang binawian ng buhay dahil sa init ng panahon sa…

7 hours ago

Dahil sa pagtatalo sa relihiyon, lalaki ginilitan ng kaibigan

Dahil umano sa pagtatalo sa relihiyon napatay ng isang lalaki ang kanyang kainuman sa Brgy…

7 hours ago

Nagkadaiyang labor group sa Sugbo nihimo og lihok protesta

Gipahigayon sa nagkadaiyang groupo sa mamumo-o ang usa ka halapad ug malinawon .nga lihok protesta…

7 hours ago

Bangka ng China sa Ayungin Shoal, pinalayas ng mga sundalong sa BRP Sierra Madre

Pinalayas ng mga tropa ng sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre ang mga maliit…

9 hours ago

PRO-7 naka kompiska og P16.4M balor sa drugas sulod sa duha ka adlaw nga SACLEO

Ang Police Regional Office 7 nihimo og laing hugna sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation…

9 hours ago

Mga Pilipinong nakaranas ng gutom – nadagdagan

Tumaas sa 14.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa…

9 hours ago