Mga online sellers, hindi na ligtas sa withholding tax simula Disyembre

Patas ng magbabayad ng tax ang mga traditional business at ang nauusong online business simula Disyembre, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Base sa plano ng BIR maipapataw na ang 1 percent na withholding tax sa mga online platform sa huling buwan ng taon o kung magkaron man ng kinakailangan pang oras ay tantiya nitong sa unang buwan ng 2024.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., target ng ahenys na maipatupad na ito sa lalong madaling panahon bunsod na rin ng mas dumaraming online seller at upang maitama rin ang sistema ng pagbubuwis na kasalukuyang ipinapataw sa mga traditional business.

Sa ngayon ay isinasapinal na ang patakaran kung saan upang maging mas epektbo ito lahat ng mga operator ng online platforms o marketplaces ay dapat na naka rehistro sa BIR bago ma-accredit sa kanilang platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *