Mga ospital sa NCR, isasailalim sa “code white alert” bilang paghahanda sa Traslacion

Isasailalim ng Department of Health (DOH) ang lahat ng ospital sa National Capital Region (NCR) sa Code White Alert simula January 6.

Ito ay bilang paghahanda sa taunang Traslacion o Pista ng Itim na Nazareno na tatagal hanggang Januray 9.

Ang Code White Alert ay idinedeklara tuwing may national event, holiday at mga pagdiriwang na may posibilidad na magkaroon ng malaking bilang na masasaktan.

Sa panahong ito, ang mga tukoy na medical personnel at staff ay naka-standby para sa agarang pagresponde at paggamot sa darating na pasyente.

Kaugnay nito, walong health emergency response team na may kanya kanyang ambulansya ang ipakakalat sa ruta ng Traslacion upang magbigay ng mga serbisyong medikal sa libu-libong deboto na inaasahang makikibahagi sa aktibidad.

Itatalaga ang emergency response team sa mga pangunahing lokasyon, kabilang na ang Quirino Grandstand, Roxas Blvd. kanto ng Ayla Blvd. sa National Museum & Fine Arts, ang Ayala Blvd. kanto ng Taft Avenue, Ayala Blvd. kanto ng San Marcelino, San Sebastian Church, Quezon Blvd., Quinta Market at sa bahagi ng Paterno kanto ng Quezon Blvd.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *