Mga paaralan sa Polangui, Albay handa na kung sakaling mapili sa face to face classes

LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ngayon ng Local Government Unit (LGU) Polangui ang mga paaralan sakaling mapili na magsagawa ng limited face to face classes.

Ayon sa LGU, naghahanda na para sa mga posibleng face to face classes sa ilalim ng new normal situation ang 120 silid aralan na nagkakahalaga ng P47M.

Aabot sa 17 elementarya at 2 high school sa Polangui ang mayroong mga bagong silid sa klase ngayong taon.

Palagiang  pangunahing prayoridad ng lokal na gobyerno ang makapagpatayo ng mga paaralan sa ibat ibang barangay o lugar upang walang mapag-iwanan sa pag-aaral ang mga bata.

Ang Polangui South Central School ay may 31 mga bagong silid-aralan; Alnay Elementary School 8 silid aralan; Cepres ES 6; Sta.Cruz ES 4; Dialogo ES 5; Kinuartelan ES 5; Lidong ES 6; Maynaga ES 5; Polangui North Central School 7; Matacon ES 3; Cotmon ES 7; Luisevera Matza ES 3; Anopol ES 5; Sugcad ES 3; Apad ES 3; San Roque ES 5; La Medalla HS 10; Lanigay HS 5; Cotnogan ES 5 mga silid-aralan na eskwelahan ang maitatayo sa lalong madaling panahon.

One thought on “Mga paaralan sa Polangui, Albay handa na kung sakaling mapili sa face to face classes

  1. Sana nga po makasama ang polangui sa mapili, kasi napakahirap po saaming mga magulang ang modular class🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *