Mga palayan sa Naga City, hindi pa gaanong apektado ng El Niño Phenomenon; Produksyon ng palay hindi sapat sa lungsod

NAGA CITY – Malaki ang ambag nang panakanakang pag-uulan sa lungsod ng Naga upang hindi pa gaanong maramdaman ng ilang mga magsasaka at palayan ang matinding epekto ng El Niño Phenomenon, ilang buwan bago ang anihan.

Ayon kay Frank Mendoza, ang acting head ng City Agriculture’s Office, bagaman nakadepende ang mga magsasaka sa klima, dahil sa umaabot lamang sa nasa animnapung porsyento ng kabuuang walong daang ektarya ng palayaan ang sakop ng irrigation system o may patubig.  Nagpapatuloy ang pagtulong ng nasabing opisina sa Irrigators’ Association sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga irigasyon sa ilang porsyon ng lungsod.

Kaugnay nito, inaasahan nila na mananatili  lamang ang porsyento ng produksyon ng palay o katumbas ng nasa walumpung kaban na ani. Mababa o hindi sasapat sa kailangan ng lungsod, kung kaya’t bumibili o nag-aangkat pa rin sa karatig  bayan dahil sa paliit nang paliit ang lugar na pinagtatamnan epekto ng modernisasyon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *