CAMARINES NORTE- Inilatag ng Department of Health (DOH) ang ilang mga kaparaanan upang maiwasan ang mga insidente ng pagpapatiwakal at kung ano ang maaaring magawa ng bawat isa.
Sa virtual Press Conference ng DOH Bicol noong Lunes, ipinaliwanag ni Windalyn Baluis, Regional Mental Health Program Manager na mayroong mga pamamaraan upang maiwasan ang pagpapatiwakal ng isang tao.
Kailangan umano ang “collective” action upang matugunan ang public health issue na itinuturing ngayon bilang “urgent”.
Lahat umano ng mga miyembro ng pamilya, kaibigan,, ktarabaho, community members at iba pa ay maaaring kumilos upang maiwasan ang mga kaso ng pagpapakamaty sa rehiyon.
Kabilang umano sa mga epektibong evidence- based interventions ay ang paglimita sa pamamaraan ng pagpapakamatay, makipag ugnayan sa media para sa responsableng pagbabalita sa mga kaso ng suicide, alagaan ang socio- emotional life skills lalo na ng mga kabataan at maagang pag- identify, pag assess, manage at follow up sa sinumang mayroong suicidal behaviors.
Isa rin umano sa mga pinagtutuunan ng pansin ngayon ng DOH ay ang Mental Health issue at tinitiyak nito na mayroon silang mga doctor at nurse na pwedeng lapitan na sinanay sa mental health psycho social support and services.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…