National

Tulong ng NTC sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa, kinilala ng Napolcom

Kinilala ng National Police Commission (Napolcom) ang ambag ng National Telecommunications Commission sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Dahil dito kung kaya’t binigyan ng parangal ng Napolcom ang NTC bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan nito.

Mula sa libreng paghahatid ng agarang paalala at patnubay sa publiko, nagtratrabaho din ang NTC sa pagkuha ng pulso at hinaing ng publiko tungkol sa mga bagong protocol at panuntunan upang mapanatili ang peace and order ngayong panahon ng pandemya.

Kabilang na dito ang implementasyon ng mga survey na may mga pamagat na “Public Perception of Police Checkpoints During the Community Quarantine Period” at “2021 Public Perception of Community Safety”.

Ayon kay Napolcom Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano Aguirre II, ang tulong ng NTC at iba pang mga ahensiyang kanilang pinarangalan ay napakalaki ng naitulong sa pagkuha ng kapakipakinabang na impormasyon mula sa publiko na nagbigay-daan upang kanilang mapaganda pa ang kanilang serbisyo at mapalakas pa ang tiwala ng publiko sa kapulisan lalo na ngayong may pandemya.

Ibinigay ang parangal online bilang selebrasyon na rin ng ika-55 anibersaryo ng Napolcom.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago