Mga pampasabog, narekober sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Natagpuan ng Regional Intelligence Unit 5 ang mga gamit na pampasabog sa bahagi ng Brgy. San Vicente Grande, bayan ng Daraga, Albay.

Ayon kay PMSG. Gerson Rentosa, Investigator on Case ng Daraga Municipal Police Station, nagsagawa ng minor ISO operation o Oplan Pagtutugis ang nasabing unit kasabay RMFB, RID, Philippine Army, at iba pa kung saan natagpuan sa madamong lugar ang anim na pirasong cylindrical IED, cellphone, dokumento at iba pa.

Posible umanong itinago ang mga ito malapit sa kalsada ng nasabing barangay at maaaring may kaugnayan sa nangyaring harassment dahil malapit lamang ito sa bayan ng Jovellar.

Sinabi pa ng opisyal, ang mga narekober ay gagamitin ng pinaniniwalaang NPA laban sa gobyerno at ang nabanggit na barangay ay may presensya pa rin ng rebeldeng grupo kaya’t patuloy pa rin ang kanilang ginagawang operasyon sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *