Mga ‘pampaswerteng’ bilog na prutas, nagsisitaasan na ang presyo

Tumaas na at asahang tataas pa ang presyo ng mga bilog na prutas ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Ito ay dahil sa pagtaas ng demand lalo’t marami ang naniniwalang swerte at bwenas ang mga bilog na prutas.

Sa Kalentong Market sa Mandaluyong, nasa 250 na ang kilo ng seedless grapes at dragon fruit.

Habang ang mansanas, peras, at orange ay mabibili ng isandaan kada tatlong piraso.

Ayon sa mga nagtitinda, tataas pa ang presyo lalo na sa pagsapit ng weekend.

Sa kasalukuyan ay matumal pa ang bentahan ng mga ito ngunit inaasahan na dadagsa ang mga tao sa last-minute shopping para kumpletuhin ang tradisyonal na 12-fruits na ihahain sa Media Noche.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *