Mga pasahero sa PITX, dagsa na ngayong araw

Dagsa na ang mga pasahero sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ito’y makaraan ang mahabang bakasyon matapos ang eleksyon at Undas.

Ayon sa pamunuan ng PITX, kahapon mayroong naitalang 130,192 foot traffic samantalang hanggang kaninang umaga, may naitalang 27,240 na mga pasahero.

Ilan sa mga nakapanayam ng Brigada News ang sinamantala ang pag-uwi sa kanilang probinsiya dahil sa mahabang bakasyon bukod sa makaboto at dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na yumao, perfect timing din daw ang mahabang bakasyon para makasama ang kani-kanilang pamilya at makapagpahinga.

Mahigpit ang seguridad sa loob ng PITX, binubusisi nang husto ang mga bagahe, at may mga K9 dogs din nag-iikot.

Dalawampu’t apat na oras bukas ang PITX para sa mga pasahero sa city buses habang 10pm lang para sa mga biyahe papuntang probinsiya.

Wala naman naitalang untoward incidents sa PITX.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *