Mga pasaherong uuwi ng Norte, dumaragsa na sa mga terminal sa Cubao

Nagsimula nang dumagsa ngayong araw sa Cubao Terminal ang mga pasahero na uuwi sa mga lalawigan ng Northern Luzon.

Ayon sa dispatcher ng Baliwag Transit, marami ang mga pasaherong pauwi na ng probinsya dahil sa nalalapit na Undas at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Inaasahan nila na mula ngayong araw hanggang linggo ay marami ang dadagsa na pauwi ng mga probinsya kagaya ng Bulacan, at Nueva Ecija.

Samantala, wala umanong dapat na ikabahala dahil may sapat na masasakyang bus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *