Local News

Mga pasyente at bantay na magtutungo sa CVMC, isasailalim na sa rapid antigen test

Isasailalim na sa rapid antigen test ang lahat ng mga pasyente na magpapakonsulta o magpapagamot sa Cagayan Valley Medical Center kasama ang kanilang mga bantay.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, ang hepe ng CVMC, ito ay upang masiguro na negatibo sa COVID-19 ang mga ito bago dalhin sa regular emergency room.

Aniya, nito lamang Lunes, May 24 ay naglagay sila ng booth swab sa emergency room kung saan isasagawa ang antigen test.

Ginawa umano ang naturang hakbang upang hindi na maulit ang katulad ng nangyari noon kung saan nagpositibo sa virus ang isang pasyente matapos sumailalim sa operasyon at nahawaan pa ang kapwa pasyente nito maging ang mga staff na nag-asikaso sa kaniya.

Sinabi pa ni Dr. Baggao, na ang mga pasyenteng magpopositibo sa antigen test ay dadalhin sa COVID ward at imomonitor ang kanilang kalagayan.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago