Mga pellet guns kukumpiskahin na ng OCPO

Ipinag-utos na umano ng Olongapo City Police Office sa mga station commanders nito na kumpiskahin ang mga ibinebentang pellet guns.

Paliwanag ng OCPO, taong 1997 pa ay mayroon nang ordinansa ang Olongapo City tungkol sa pagbabawal sa pagbebenta nito.

Nakapaloob umano sa ordinansa ang multa mula 500 hanggang 2,000 at pagkansela ng business permit sa ikatlong paglabag.

Matatandaan sa Brgy. Kalaklan ay una nang ipinag-utos ng baranggay ang pagkumpiska sa mga nasabing laruan na madalas umano ay itinututok sa kapwa rin bata.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *