Mga personahe ng MDRRMO Gainza Camarines Sur nakahanda sa pagbibigay assistensya medikal sa mga perigrinong dadalaw sa 3 Hinulid sa bayan ngayong Semana Santa

CAMARINES SUR – Nakahanda na ang lahat pati ang mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa Gainza, Camarines Sur para sa pagbibigay nang assistensya medikal sa mga perigrinong dadayo sa 3 hinulid sa bayan sa pag gunita ng holy week lalo ngayong mainit ang panahon.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Rio Magellan Teodoro ng MDRRMO Gainza na nagkaroon na sila ng pagpupulong ukol sa nalalapit na mahal na araw, aniya idedeploy nila ang kanilang mga personahe kasama ang mga awtoridad lalo sa 3 hinulid na nasa kanilang bayan para sa pag mantini ng siguridad at pag bibigay assistensya sa bawat aktibidad.

Apila nito sa publiko na magbaon ng sapat na tubig at panangga sa init ng araw ng maiwasan ang dehydration, samantala kaugnay nito kahapon Marso 22, 2024 pormal ng inanunsyo ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng tag init, kasunod ng pagtatapos ng northeast monsoon o “amihan” season sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *