Mga Pinoy na maalam sa computer, in demand ngayon – DICT

In demand ngayon ang mga Pinoy na maalam sa computer, ayon kay Department of Information and Communication Technology o DICT Secretary Ivan Uy.

Sa katunayan nasa dalawang milyong trabaho na may kinalaman sa cybersecurity ang kailangan ngayon sa bansa, maging sa kanilang departamento ay marami din silang kailangan.

Aminado naman si Uy na kailangan munang ayusin ang plantilla classification dahil masyado na itong makaluma.

Sabi ni Uy, wala raw plantilla sa kanilang opisina ang cybersecurity o AI expert, pero meron pa silang posisyon para sa punch card feeder o telephone network operator.

Maliban sa plantilla classification, kailangan ding ayusin ang pasweldo sa mga ito, sapagkat may presyo ang talento.

Dahil kung susumahin, ang sweldo ng isang maalam sa computer o cyber job ay nasa 200 libong piso kada buwan, lalo na kung sa pribadong sektor o sa ibang bansa ito magtatrabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *