Mga Pinoy sa Australia, hinimok na pahalagahan ang pagiging Pilipino

Binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang Filipino Community sa Australia.
Sa kanyang talumpati, hinimok sila ng Pangulo na pahalagahan at wag kalimutan ang pagiging Pilipino.

Nanawagan din sa kanila ang Presidente na turuan ang younger generation ng mga Filipino na nasa Australia patungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, mga bayani at ang magagandang tourist destination sa bansa.

At ipasa ang pagmamahal sa Pilipinas sa kanilang mga anak, apo, at sa lahat ng susunod na henerasyon.

Naniniwala ang Pangulo na ang pagiging Pilipino ang magiging pundasyon ng kanilang koneksyon sa Pilipinas, kahit saan man sila sa mundo.

Nabatid na nasa 408 thousand ang mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *