Mga Pinoy sa Israel, pinag-iingat ng pamahalan sa gitna ng tensyon sa Gaza

Pinayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Israel na mas maging maingat dahil sa lumalalang tensyon sa Gaza strip.

Ito ay kasunod ng palitan ng pag-atake ng Israeli at Palestinian forces.

Ayon sa embahada, dapat iwasan o ipagpaliban muna ng mga Pinoy ang kanilang biyahe sa mga sensitibong lugar tulad na lamang ng Golan Heights na malapit sa border ng Lebanon at sa border ng Gaza.

Pinaiiwas din sa mga Pilipino sa lugar ang pagkuha ng mga letrato o video o pag-usyuso sa mga panahon na mayroong putukan

Maging ang paggamit ng mga pampublikong transportasyon sa Israel ay ipinapayong huwag munang gawin ng mga Pinoy

Una nang pinayuhan ang mga nakatira sa Gaza Envelope at sa southern part ng Israel na sumunod sa mga guidelines gaya ng pagbabawal sa mga educational activities, ang mga work activities ay pinapayagan lang sa standard protected space malapit sa bomb shelter at pinapayagan lang ang mga maliliit na pagtitipon nang hanggang sampung tao sa outdoor habang sa mga indoor events naman ay hanggang 50 lamang(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *