Mga posting nakahambalang sa gitna ng kalsada ng San Marcelino, tinanggal na

Tinanggal na ang mga nakahambalang na poste sa gitna ng kalsada sa bayan ng San Marcelino, Zambales.

Ito ay matapos na palawakin ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang National Highway sa Lungsod.

Umabot din ng halos ilang taon bago naaksyunan ang problemang ito na lubos na inerereklamo ng mga residente.

Sa isinagawang sesyon ng Sangguniang Bayan ng San Marcelino ay ipinatawag ang isa sa malaking Telco Company sa Lungsod upang humingi ng tulong sa pagtatanggal ng mga poste at wirings.

Samantala, mabilis naman itong naaksyunan at ngayon ay ligtas ng makakaraan ang mga motorista sa mga kalsada.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *