Local News

Mga programa ng DOH Bicol na may kaugnayan sa mental health awareness, inilatag

LEGAZPI CITY – Inilatag ng Department of Health (DOH) Bicol ang kanilang programang ginagawa at inihanda na may kaugnayan sa mental health awareness sa rehiyon.

Ayon kay Wendy Baluis, mental health program coordinator ng nabanggit na ahensya, patuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at mga rural health units, at ang mga doctor at nurses naman umano ay sinanay sa pag-aassess, pagtingin at pagbigay ng mga management sa mga service users na maaaring dumulog sa mga health facilities.

Katunayan umano, ay may mga trainings na binibigay ng DOH katulad ng mental health gap action program at iba pang trainings sa mental health psychosocial support and services.

Dagdagng pa rito, nagsasagawa rin sila ng Psychological First Aid (PFA), stress debriefing, stress management na pawing tungkol sa pagbibigay ng mga interbensyon sa mga kliyente o service users.

Maliban pa rito, nagbibigay pa ang ahensiya ng mga commodities o mga psychotropic drugs sa mga health facilities upang magbigay ng buong suporta sa mga service users, at marami pang iba.

Ang mga nabanggit na programa ay ginagawa upang maiwasan ang pagdami ng suicide cases sa rehiyon at bilang pagdiriwang umano ng mental health awareness week.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago