Mga proyekto at paglalagay ng mga bagong facility ng APEC, maaaring matigil pansamantala

LEGAZPI CITY – Hindi direktang masabi ng APEC kung ititigil na muna ang mga proyekto at bagong facilities na ilalagay sana ng mga ito sa lalawigan ng Albay matapos magkaroon ito ng Special General Membership Assembly.

Ayon kay Apo Alvarez, Chief Operating Officer & General Manager ng nasabing korporasyon, hindi nito masabi kung mag-aadvance pa ng pera ang San Miguel Corporation matapos ang nangyaring botohan na tapusin na ng ALECO Member-Consumers ang Concession Agreement sa ikawalong taon nito.

Dahil dito, posible umanong mahinto o matigil nang pansamantala ang mga proyekto at bagong facilities na ilalagay sana ng korporasyon sa mga lugar na kinakailangan upang hindi na magkaroon ng patay-sindi ng kuryente sa lalawigan.

Tanging ang mga proyektong maipagpapatuloy lamang ng korporasyon ay yaong mga nasimulan na habang ang mga nasa plano pa lamang ay pansamantala munang iho-hold. Nakatakda sanang dalhin ang limang Genset na 1.5 megawatts sa mga lugar ng Pio Duran, Pantao, Brgy. Hindi ng Bacacay, Cagraray Island at Banquerohan, patungong Manito upang taasan ang boltahe ng linya ng kuryente at magkaroon ng consistent supply.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *