Mga Public Information Officers ng iba’t-ibang Government Agencies at Local Government Units sa Camarines Sur, inorganisa ng Philippine Information Agency

NAGA CITYInorganisa ng Philippine Information Agency ang lahat ng mga Public Information Officers sa Camarines Sur sa pamamagitan ni PIA Assistant Regional Director Analiza Macatangay sa layuning mas mapadali ang pagpapalabas ng anumang impormasyon hinggil sa mga programa at aktibidad na ipinapatupad ng mga ito na dapat malaman ng publiko.

Sa pagharap sa media at sa Brigada News Fm Naga ni Macatangay,sinabi nitong taon pang 2021,panahon ng pandemya nabuo nila ang asosasyon na ito na tinawag nilang Camarines Sur Communicators Network o COMNET subalit wala silang naipatupad na mga programa dahil nga sa limitado lamang ang galawan.

Kabilang sa mga ahensiya ng gobyernong dumalo ay ang Phil Statistic Office,Department of Trade and Industry,Social Security System,Department of Agriculture,National Irrigation Administration,9th Infantry Division Phil Army,MAO-San Fernando at si AKB Congressman Partylist Jil Bongalon na siyang nanguna sa oathaking sa mga opisyals ng COMNET.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *