Mga pulis na nage-escort sa POGO operators, binalaan

May naghihintay na kaukulang kaso ang mga pulis na mapag-aalamang nagbibigay ng escort sa mga POGO chinese operators.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. kasunod ng X post ni dating Sen. Ping Lacson na may mga Highway Patrol Group personnel umano ang nagsisilbing security escort ng mga POGO operators.

Maaari aniya itong silipin ng National Police Commission (NAPOLCOM) o PNP Internal Affairs Service (IAS) upang masampahan ng reklamo ang mga pulis.

Samantala, sinabi ni PNP PIO acting chief Police Col. Jean Fajardo na iniimbestigahan nna ng pulisya ang bagay na ito.

Sinabi ni Fajardo na itinanggi ng mga opisyal ng HPG na mga tauhan silang sangkot sa iligal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *