Mga pulis na umaresto sa film director na si Jade Castro – walang matibay na ebidensya

Inamin ng mga opisyal ng Phillippine National Police (PNP) na wala silang pisikal na ebidensiya na nag-uugnay sa film director na si Jade Castro at ng kanyang tatlong kasama sa krimeng arson dahil sa umano’y pagsusunog ng isang modern jeepney.

Kinumpirma ito nina Police Senior Master Sergeant Jonjon Pordan at Police Captain Daniel dela Cruz ng Catanauan, Quezon Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon sa warrantless arrest noong Enero 31.

Nang tanungin ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas si Pordan kung mayroon bang nakuha sa area ng sunog na nagli-link sa apat sa insidente, sinagot nitong identification lang ng mga saksi ang kanilang pinanghahawakan.

Kasunod ng mga tugon ni Pordan, kinuwestiyon ni Brosas ang hakbang ng mga pulis na arestuhin si Castro, na ginamit ring batayan ng mga prosecutor sa paghahanap ng probable cause para ituloy ang mga kasong arson laban kina Castro, Ernesto Orcinem, Noel Mariano, at Dominic Valerio Ramos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *