Mga pulis-Naga naka-standby na sakaling kailanganin na sa pag-evacuate ng mga residente sa Albay

NAGA CITY – Naka-standby na ang isang platoon ng Naga City Police Office sakaling kailanganin sa paglikas ng mga residenteng maapektohan nang pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PLTCOL. Dario Sola ang Deputy City Director for Operations, binubuo ang Augmentation Team ng 32 personahes at pamumunuan ito ni PMaj. Miguel Nool ng City Mobile Force Company o CMFC.

Sa kasalukuyan, naka-bantay ang buong NCPO sa mgaq direktibang manggagaling sa opisina ng PNP Regional Director gayundin sa kalagayan ng bulkan na nasa Alert Level 3 at hindi inaalis ang posibilidad ng tuluyang pagputok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *