Mga pulubing badjao nagkalat sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur

CAMARINES SUR — Nagkalat ngayon sa kasentruhan ng Tigaon, Camarines Sur ang mga namamalimos na Badjao, na ayon sa ilang mamimili nakakaisturbo na.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Social Welfare and Development Officer,  Mikko Villanueva, sinabing nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad upang maibalik ang mga ito sa kung saan sila galing, magsasagawa rin ng profiling upang malaman ang kanilang pagkakakilanlan.

Nitong nakaraang araw, ayon sa PNP Tigaon, pinaalis na ang mga ito ng mga naka-duty’ng  police sa kasentruhan at patuloy na mino-monitor, subalit bumabalik rin. May mga report na nagsasabing ibinababa at kinukuha ito ng isang truck, subalit hanggang sa ngayon, wala pang kompirmasyon mula sa isinasagawang imbistigasyon ng mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *