Mga rehistradong mangingisda sa bayan ng Basud at Daet nakatanggap na ng fuel discount card mula sa BFAR

CAMARINES NORTE- Natanggap na ng mga rehistradong mangingisda sa bayan ng Basud at Daet ang kanilang fuel discount card mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ginawa ang pamamahagi ng fuel subsidy cash card kahapon ng umaga sa bayan ng Basud at hapon naman sa Daet na pinangunahan ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam at ng kinatawan mula sa BFAR Regional Office.

Ayon sa BFAR nasa  123 ang benepisyaryo sa Daet habang 24 naman sa Basud.

Ito ay tulong sa mga mangingisda na labis na naapektuhan ng pagtaas ng produktong petrolyo lalo na noong mga nagdaang araw.

Naglaan ang ahensiya ng Php3, 000 fuel subsidy para sa mga rehistradong mangingisda na gumagamit ng bangkang de motor.

Ipinaliwanag ni Ms. Jehn Francine Boletic, Tehnical staff ng BFAR regional Office V  ang mga rekisitos para maging kwalipikadong benepisyaryo.

Dapat ay rehistrado sa FishR at BoatR at gumagamit ng ligal na kagamitan sa pangingisda.

Paalala ng ahensiya na hindi pwedeng ipagbili ang fuel discount card

Hindi rin ito pwedeng i- withdraw sa ATM machine dahil naka design ito sa POS terminal ng gasolinahan.

Ang partner gasoline station ng BFAR sa lalawigan ay ang Shell at Seaoil na kapwa matatagpuan dito sa Daet.

Unang tranche pa lamang umano ito at mayroon pang ikalawang bugso ng pamamahagi ng fuel subsidy card pero ibang benepisyaryo naman.

Aabot sa 1, 268 na mga mangingisda ang benepisyaryo ng fuel subsidy card sa  lalawigan na mas mataas sa naunang pronouncement ng ahensiya na 1,165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *