Mga residente sa Baguio City, balik-face mask

Nabalot ng smog o pinaghalong usok at fog ang ilang lugar sa lungsod ng Baguio mula sa kaliwa’t kanang forest fire sa Benguet.

Dahil dito, nagsuot na ng face masks ang mga residente bilang proteskyon.

Samantala, pahirapan ang pag-apula sa forest fire na sumiklab sa Barangay Tuba sa Benguet.

Ang sunog ay nagsimula pa sa kabilang barangay ng Tabaan Sur.

Sa tansiya ng mga otoridad nasa 20 hectares na ng lupa ang nasunog.

Ayon sa Baguio-Bureau of Fire Protection, kapag lumala pa ang sunog ay hihingi na sila ng tulong sa Office of Civil Defense para magpadala ng helicopter.

Nabatid na nasa anim na kagubatan sa Benguet ang kasalukuyang nasusunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *