Mga residente sa Naga City na wala pang elektrisidad kabilang sa tinututukan ng LGU

NAGA CITYSa kabila ng nakikitang pag asenso ng Naga City sa pagnenegosyo, may mga taga barangay pa rin ang hanggang ngayon wala ang kuryente ang mga bahay.

Partikular na ang may ganitong sitwasyon ay iyong mga nasa sitio.

Ito ngayon ang isa sa tinututukan na problema ng local na pamahalaan, dahil sa malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga taga barangay lalo na ng mga bata kung madilim ang kanilang kapaligiran.

Ayon kay City Administrator Elmer Baldemoro,kabilang ang Sityo Balatungan sa Barangay Concepcion Grande ang may ganitong problema na natuklasan nila matapos na bisitahin ang naturang lugar ni City Mayor Nelson Legacion.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Baldemoro, sinabi nitong may ilang factors silang nakikita kung bakit may mga bahay doon ang walang kuryente, una medyo malayo ang lugar at ang pangalawa ay problema sa lupa.

Pag-aari aniya ng bangko ang lugar at ng ilang pribadong individual, kaya mahihirapang palagyan ng daloy ng kuryente ang ilang mga bahay.

Nilinaw niyang maliwanag naman sa lugar, may ilang portion lang ang madilim.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na rin sila sa CASURECO II para masolusyonan ang  problemang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *