Mga residenteng maapektuhan ng nasunog na dating dumpsite sa Naga City, handang ayudahan ng City Social Welfare and Development Office

NAGA CITY – Nakabantay ngayon ang City Social Welfare and Development Office sa alinmang pamilya o individual na maaapektuhan ng usok mula sa nasunog na dating open dumpsite sa Barangay Balatas, Naga City na siyang banta sa kalusugan ng mga nakatira sa paligid lalo na ng mga senior citizens,mga nanay na buntis at mga bata.

Tanging tatlong tao lamang na kinabibilangan ng maglo-lola ang dinala sa evacuation center dahil napakalapit ng bahay ng mga ito sa lugar, ang ibang mga resedente doon ay ayaw namang lumikas.

Ito ang paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Annabelle Vargas, Head ng CSWDO bilang kanilang paunang aksyon para matiyak na ligtas sa anumang kapahamakan ang mga resedente doon sa banta na posibleng pag apoy pa ng paligid subalit ayaw namang umalis dahil nga sa naroon ang kanilang kabuhayan,ang pagkalkal sa mga basurang nakaimbak kahit delikado sa bahaging iyon na basurahan na hindi natakpan ng lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *