Human Interest

Mga residenteng magpapabakuna kontra COVID-19 sa isang distrito sa Thailand, pwedeng manalo ng “baka” bilang pa-premyo

Chiang Mai, THAILAND—  Sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan at ng DOH sa publiko kaugnay ng pagpapabakuna kontra COVID-19, marami pa rin ang nag-aalinlangan at takot na magpa turok ng bakuna hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Kaya naman sa Mae Cham District sa Chiang Mai, Thailand, upang mahikayat ang mga residente na magpaturok ng bakuna kontra sa nasabing sakit ay naisip ng kanilang District Chief na magpa premyo ng “baka” sa mga magpapalista at tatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay District Chief Boonlue Thammanurak, target ng kanilang komunidad na maturukan ang nasa 2,000 residente bawat linggo upang makamit ang “herd immunity” ngunit nang kanilang inanunsiyo ang pa-raffle sa mga magpapabakuna ay dinagsa sila ng mga residente at katunayan ay umabot sa mahigit 4,000 katao ang agad na nagpa rehistro upang mabakunahan.

Magtatagal ang nasabing pa-raffle mula ngayong buwan ng Mayo hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon kung saan bawat linggo ay may residenteng mag-uuwi ng premyong “baka” liban pa sa pagkakaroon ng proteksiyon kontra sa coronavirus. || BNFM BICOL

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

2 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

2 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

2 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago