Mga residenteng malapit sa Bulkang Mayon – pinag-iingat sa posibleng mudflow

Nagpaalala ang PHIVOLCS sa mga residente sa Albay na magdoble-ingat dahil sa mga posibleng mararanasang mudflow at lahar dahil sa mga pag-ulang dulot ng Habagat na pinalalakas pa ng Bagyong Dodong.

Ayon sa tanggapan – pinaghahanda nila ang mga residente dahil sa posibleng mapanganib na mudflows.

Dahil dito, hindi nila isinasantabi ang posibilidad ng pagkakaroon ng bagong round ng evacuations sa area.

Kung maaalala, mula nang mag-alburoto ang Bulkan ay nagsilikas na ang mga residente sa palibot ng Mayon, lalo na sa mga nasa loob ng permanent danger zone.

Mababatid na noong 2006 – libu-libong residente sa palibot ng Mayon ang nasawi dahil sa mudflows na dulot ng Bagyong Reming.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *