Mga retirement pensioner na may edad 80 taong gulang pataas na naninirahan sa Pilipinas kinakailangan nang mag-comply sa ACOP ayon SSS

CAMARINES NORTE – Inanunsyo ng Social Security System o SSS ang ilang mga pagbabago sa pag comply sa Annual Confirmation of Pensioners o ACOP.

Mula sa buwan ng Marso 2024 ay kinakailangan nang mag-comply sa ACOP ng ahensya ang mga retirement pensioner na nakatira sa bansa at may edad na 80 taong gulang pataas.

Sa panayam ng Brigada News, sinabi ni SSS Daet Branch Information Officer Frieda Evidor na  dati ay ang mga retiree pensioners lang na nakatira abroad, total disability pensioners, death or survivor pensioners at mga dependent children under guardianship ang kailangang mag comply sa ACOP.

Para makapag-comply, maaari itong personal appearance o visual confirmation sa pamamagitan ng over-the-counter sa SSS branch at video conferencing sa pamamagitan ng SSS-prescribed internet platforms.

Kapag walang personal appearance, kailangang gawin ito sa pamamagitan ng sulat, e-mail o ang guardian at authorized representative ng mga piling bangko at iba pang paraan ng SSS.

Mayroong schedule ng pag comply sa ACOP na itinatakda ang SSS.

Kung mabibigong mag acomply sa ACOP ay mapuputol ang pagtanggap ng penssyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *