Mga returning individuals na bakunado na VS COVID-19 iminungkahi na papasukin ng Camarines Sur kahit walang negative RT-PCR test result

NAGA CITY—Iminungkahi ni Garchitorena Mayor Nelson Bueza sa Camarines Sur Provincial Task Force Against COVID-19, na payagang makapasok ng lalawigan ang mga Locally Stranded Individuals na nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna kahit walang RT-PCR o Rapid Antigen Test.

Ayon kay Bueza, bukod sa mahihikayat ang mga LSI na magpabakuna sa place of origin nito ay matutulugan din aniya ang mga ito na makatipid sa gastusin para lang makauwi at makapiling ang mga mahal sa buhay sa Camarines Sur.

Bukod dito, makakatipid rin sa paggamit ng Rapid test kits ang Border Quarantine Control Point sa Del Gallego na halos araw-araw ay mabilis na nauubos.

Mabisa rin aniya itong paraan upang magtiwala ang marami kapag nakikitang tinatanggap bilang requirement sa pagpasok sa border ang pagpapaturok ng full dose vaccine basta may sertipikasyon ng RHU o LGU na sila nga ay naturukan na ng bakuna.

Sa ngayon wala pang tugon ang Provincial Government ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *